Turn-Over Ceremony ng nutrient solution, ikinasa
Masayang-masaya ang mga guro sa Lungsod ng San Juan sapagkat isa na namang Good Samaritan sa katauhan ni G. Christopher Tuason sa pagkakaloob ng libreng Hydrphonic Solution para sa Gulayan sa Paaralan.
Nangyari ang Turn-Over ceremony sa Paaralang Elementarya ng Pinaglabanan noong ika- 30 ng Mayo taong kasalukuyan na dinaluhan ng mga punong guro at piling guro sa bawat paaralan sa Lungsod ng San Juan. Sinimulan ang naturang programa sa pamamagitan ng Awit para sa Bayan at sinundan ng pambungad na panalangin. Masiglang pinangunahan naman ni Ginoong Dennis M. Bacle, punong guro sa Elementarya ng Pinaglabanan, ang pagtanggap sa mga panahuin.
Kabilang sa mga panahuin ang ina ng SDO San Juan City, Dr. Cecille G. Carandang, CESO VI at ang kaniyang katuwang na tagapamanihala, Dr. Buenafe E. Sabado, Atty. Ysabel Maria Zamora, Elected Representative ng San Juan City, at Carlos Parada Jr. ng LDS Charities.
Sa pagpapatuloy ng programa, nagbigay ng mensahe si Dr. Carandang na sinundan naman ni Atty Ysabel Maria Zamora. Sinabi niya na gagawin niya ang lahat ng makakaya bilang pagsuporta sa mga paaralan at makaaasa ang mga guro na makikiisa siya sa programang ito. Ibinahagi naman ni G. Christopher Tuazon ang kaniyang kaalaman at karanasan sa pagpapalago ng mga halaman.
Nagtapos ang naturang Turn-Over Ceremony sa pangwakas na pananalita ni Dr. Sabado. Nabanggit niya na bukod sa masusustansyang pagkaing hatid ng proyektong Gulaya sa Paaralan, nakadaragdag dito ito ng ganda at malinis na hangin para sa kapaligiran.