Tuloy ang Pasko sa KES

Ito ay taunang programa ng paaralan upang mabigyang handog ang mga piling mag- aaral sa Kabayanan Elementary School (KES). Naniniwala ang pamilya ng KES na masayang ipinagdiriwang ang Kapaskuhan kapag ang diwa nito ito ay naibabahagi lalong-lalo na sa kanilang mga mag- aaral.


Para sa taong 2021, ang mga nahandugan ng mga regalo ay mga piling mag-aaral mula sa SPED. Isang programa ang inihanda at ito ay dinaluhan ni Atty. Bel Zamora, ang kumatawan sa butihing Kongresista na si Kgg. Ronalda B. Zamora.


Taos- pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga naghandog ng tulong ang buong pamilya at komunidad ng KES. Tampok dito ang mga biyayang nagmula kina Mayor Francis Zamora, Cong. Ronaldo Zamora, Tzu Chi Foundation, San Juan City Council, mga piling magulang at mismong mga guro ng naturang paaralan. Ang programang ito ay hindi magiging makatotohanan kung hindi dahil sa kanilang suporta at pakikiisa. Tunay ngang nakakalaki ng pusong makita ang bawat isa na may ngiti sa kanilang labing tinatanggap ang kanilang mga regalo gaano man kabigat ang pinagdaraanang krisis ng bansa sa panahong ito.


Tingnan ang ilang mga larawang kuha mula sa programa:



Article written by:

Lexter M. De Belen (Kabayanan Elementary School)


Featured Posts
Archive