top of page

SJES, Naipamigay na ang mga tablets sa mag-aaral

“Sa wakas, meron na ring tablet na magagamit ang aking anak sa kanyang online class!” wika ng isang magulang na masayang nakatanggap ng tablet sa San Juan Elementary School.

Kamakailan lamang ay natuldukan ang paghihintay ng mga magulang at mag-aaral sa San Juan para sa mga kinakailangang gadgets at connectivity sa distance education. Sinimulan noong Biyernes, Abril 30, 2021 sa Kinder at nagtuluy-tuloy ang bigayan hanggang Mayo 7, 2021 sa lahat ng antas sa conference hall ng San Juan Elemetary School. Ang isinagawang distribusyon ay alinsunod sa ipinapatupad na mga safety at health protocols upang ligtas sa hawaan ang lahat ng mga magulang at gurong naroon. Labis ang pasasalamat nila sa lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Francis Javier M. Zamora, Kinatawan ng Department of Communication and Technology Sec. Gringo Honasan, at kay G. Dennis Anthony Uy, CEO at Co-Founder ng Converge ICT Solutions na siyang nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang proyektong ito kabilang ang pamunuan ng SDO San Juan City sa pangunguna ng Pandibisyong Tagapamanihala na si Dr. Cecille G. Carandang.


Matatandaang simula ng magkaroon ng pandemya, hindi sukat akalain ng lahat na mababago ang mga kinagawian ng mga mamamayan. Isa sa matinding epekto ay ang pagbabago sa pag-aaral ng mga kabataan. Hindi na sila maaaring pumasok sa paaralan dahil bawal ang face-to-face at sa Lungsod ng San Juan ay ipinapatupad ang online at modular classes para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga bata. Nagdulot ito ng agam-agam sa mga magulang lalo pa’t marami rin sa kanila ay nawalan ng pagkakakitaan. Nawalan sila ng kahandaan kung paano itatawid ang pang-araw-araw na gastusin kasabay ng mga pangangailangan ng kanilang anak sa pag-aaral.

Kaya nang mabalitaan nila na magbibigay ang lokal na pamahalaan ng libreng intranet connectivity at tablets sa lahat ng mag-aaral ay nabuhayan sila ng kalooban. Bawat magulang ay lubos ang naging kasiyahan at pasasalamat sa ipinagkaloob na biyayang ito para sa kanilang mga anak. Bagama’t inabot din ng ilang buwan ang paghihintay dahil na rin sa mga kinakailangan proseso tulad ng pagkakabit ng mga intranet modem sa bawat kabahayan ay hindi matatawaran ang ginhawang hatid nito sa mga pamilya at kabataan.


Hangad nila ang patuloy na magandang kalusugan para sa itinuturing na ama ng San Juan upang magpatuloy pa ang maganda niyang serbisyo sa kaniyang nasasakupan. Tunay ngang naisasakatuparan ang magagandang adhikaing nakapaloob sa programang Makabagong San Juan.


Narito ang ilang mga kuhang larawan mula sa isinagawang distribusyon ng tablet:


Article written by:

Aravelli L. Villacorta - Teacher III (San Juan Elementary School)

Comments


Featured Posts
Archive