top of page

Science-saya, bumida na sa KES

Ang Paaralang Elementarya ng Kabayanan ay isa sa mga napili ng Xavier School para magsagawa ng “Free Tutorial” sa asignaturang Agham sa mga batang nasa ikalima at ikaanim na baitang sa pangunguna ni Bb. Gin Montales, Guro sa asignaturang Agham ng Xavier School at Juaquin de Castro, Pangulo ng Free Tutorial Club na naglalayong turuan nang libre ang mga batang nasa pampublikong paaralan.


Mainit na sinalubong at buong pusong tinanggap ng Paaralang Elementarya ng Kabayanan ang Xavier School sa pangunguna nina Gng. Ma. Hernanda R. Santos, Punongguro ng Paaralang Elementary ng Kabayanan, Gng. Veronica M. Mora, Gurong Tagapamatnubay at G. Joey B. Dela Cruz, Gurong Tagapag-ugnay sa asignaturang Agham noong ika-27 ng Enero taong kasalukuyan.


Kinagiliwan, ikinatuwa at bakas sa mukha ang sayang nararamdaman ng mga mag-aaral dahil sa mga inihandang Science tricks, experiment at mga bagong kaaalam. Nagkaroon din ng pagkakataong magpakitang gilas at maibahagi ang angking galing sa Agham sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikibahagi sa mga aktibidad na isinagawa.


Sa pagtatapos ng naturang programa, nabuo ang magandang pagkakaibigan sa pagitan ng mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Kabayanan at ng Xavier School.




Article Written by:


Joey B. Dela Cruz - Teacher I

Kabayanan Elementary School

Comments


Featured Posts
Archive
bottom of page