KES, handa ka na ba?

Bumisita sina Dr. Buenafe Sabado, OIC- ASDS, Dr. Dominic Rivera, Chief- SGOD , Dr. Helen Padilla Chief CID, at iba pang SDO Pesonnel sa Kabayanan Elementary School (KES) upang personal na makita at malaman ang mga paghahandang isinasagawa ng naturang paaralan para sa Expanded Limited Face to Face. Sila ay buong-pusong sinalubong ni Gng Ma. Hernanda R. Santos, punongguro at iba pang mga guro ng paaralan upang ipakita ang mga pasilidad na unti- unting inihahanda alinsunod sa guidelines na inilabas ng DepEd para sa Expanded Limited Face to Face Class.


Sa pagkakataong ito, tunay ngang ipinapakita ng pamilya ng KES ang kahandaan at kaayusan ng kanilang paaralan sa gitna ng pandemya upang maipahatid ang de-kalidad na edukasyon para sa kanilang mag-aaral.


Ilan sa mga kuhang larawan ng kanilang pagbisita:



Article written by:

Lexter M. De Belen (Kabayanan Elementary School)

Featured Posts
Archive