"Brigada Eskwela": Sama-sama para sa maayos na balik-eskwela!
Ang Paaralang Elementarya ng Kabayanan ay sinimulang idaos ang taunang pagsasagawa ng Brigada Eskwela nitong Agosto 14-18, 2023 na may temang "Bayanihan Para Sa Matatag Na Paaralan. Tara Na Magbrigada Na Tayo".
Layunin ng Brigada Eskwela 2023 na ihanda ang paaralan sa muling pagbubukas ng panibagong taunang klase sa pamamagitan ng paglilinis at pagsasaayos ng paaralan.
Ang Brigada Eskwela ay naglalayong matiyak ang isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran ng paaralan para sa mga mag-aaral, magulang, guro at sa lahat ng empleyado ng paaralan.
Sinasabing ang ating paaralan ay pangalawa nating tahanan na humuhubog sa ating angking kagalingan at katalinuhan kung kaya’t ngayong balik-eskwela ay mahalaga na maging ligtas, maayos at handang-handa ang ating paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taunang klase. Muling buhayin ang “bayanihan spirit” para tugunan ang hamon ng ligtas na pagbabalik-aral.
Halina’t tulong-tulong tayo para sa ligtas at maayos na balik-eskwela! Tara na’t magbrigada na! Tingnan ang ilang kuhang larawan mula sa sama-samang pagkilos ng mga guro, magulang at miyembro ng komunidad: