Pansangay na Tagisan ng Talento sa Araling Panlipunan, ginanap sa SDO-San Juan
I
Isang matagumpay na paligsahan ang ating nasaksihan
Mula sa mga kalahok ng mga pampublikong paaralan
Marami ng mulat sa kalagayan ng buhay
Kaya’t naipamalas ang mga angking kakayahan.
II
Tulad sa debate ng mga mag-aaral na naglaban-laban
Pakikipagtalastasan ay nailahad nang malinaw
Pagsasagawa ng awitin ay tunay na kinalugdan
Lalo na sa Pop Quiz sila’y mga mahuhusay.
III
Ang buwan ng Agosto ay buwan din kasaysayan
Kung kaya’t inilunsad din ang kasaysayan Quiz Bee
Ganun din ang paligsahan sa Poster Making
Ayon sa tema na binigyang-pansin din.
IV
Naging matagumpay ang paligsahan ng Pop Dev
Na may temang “Kabataan at Nagbabagong Populasyon”
Maraming isinisilang dahil sa maagang pag-aasawa
At marami ring namamatay dahil sa pagdurusa.
V
Marami sa kabataan, bisyo ang inuuna
Kahirapan ng bansa ay hindi na masawata
Salat sa pagkain mga anak ang nagdurusa
Palaboy-laboy sa lansangan wala silang patutunguhan.
VI
Kaya sa paligsahan, iminulat ang mga kabataan
Upang mapabuti ang kanilang kinabukasan
Pamumuhunan sa edukasyon ay dapat pahalagahan
Upang umunlad na ang ating Inang Bayan!
Taos-pusong pasasalamat sa pamunuan ng Schools Division Office-San Juan City sa pamumuno ni Dr. Alejandro G. Ibañez, Pansangay na Tagapamanihala, kasama ni Ms. Flordelisa D. Pereyra, Katuwang na Pansangay na Tagapamanihala at ni Dr. Helen G. Padilla, Hepe ng Curriculum Implementation Division. Pagpupugay din ang pinaparating sa Head Teacher ng Araling Panlipunan sa San Juan National High School na si Ms. Rowena J. Cruz, sampu ng kaniyang mga guro, ganun din sa mga gurong tagapag-ugnay sa antas elementarya maging ang kanilang mga punong-guro at iba pang mga guro sa Araling Panlipunan. Sa mga hurado at tagapagsanay, saludo po kami sa inyo
Article written by:
Dr. Victoria M. Parambita, EPS sa Araling Panlipunan