top of page

TUNGO SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON SA SAN JUAN: Paaralang West Crame, binuksan na

Upang maibigay ang lubos at de–kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral ng West Crame, pormal nang binuksan ng masipag at masigasig na Mayor Francisco Javier M. Zamora at ng napakamatulunging kinatawan ng San Juan ang Paaralang Elementarya ng West Crame noong Hulyo 29, 2019 sa Lungsod ng San Juan.


Matatandaang sinimulan itong itinayo, sa alokasyong iginawad ni Kong. Ronaldo B. Zamora, noong 2015 at nito lang taon na ito na matagumpay na ginanap ang pangalawang inagurasyon ng paaralan na produkto ng kolaborasyon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng lokal na pamahalaan ng San Juan.

Pinangunahan nina Cong. Ronaldo B. Zamora, Mayor Francisco Javier M. Zamora, Vice Mayor Jose Warren P. Villa, mga City Councilors na galing sa ikalawang distrito, Atty. Dennis Pamintuan, Fr. Mark Andrew S. Marbella, LGU Department Heads, gayundin ang DepEd San Juan Officials na pinamumunuan ni Officer-In-Charge, Office of the Schools Division Superintendent, Dr. Alejandro G. Ibanez, Gng. Flordelisa D. Pereyra, OIC – ASDS, at Division Chiefs, Education Program Supervisors and Specialists, Unit Heads, School Heads at iba pang School Administrators ang pagbubukas ng bagong paaralan.


Kasama ring dumalo ang mga kawani ng Brgy. West Crame na pinamumunuan ni Kapitan Marcelino Trinidad at mga kagawad, Dr. Ingrid Yap(SAPRISA), Officers of Unified San Juan City Public School Teachers Association, Officers of ACT San Juan, Officers of TDC San Juan City, Officers of Federated General Parent – Teacher Association, mga guro, mga magulang, mga mag aaral at mga alagad ng media.

Pinaalalahanan ni Mayor Zamora ang mga kabataan na gamiting instrumento ang bagong tayong paaralan upang magpursige sa kanilang pag-aaral.


“Mga kabataan, mag-aral kayo nang mabuti sapagkat ang inyong kinabukasan ay nakasalalay sa inyong edukasyon,” pahayag ng butihing Mayor Zamora.


Ang nasabing paaralan ay may labinsyam (19) na silid-aralan kabilang na ang Guidance Office, Library, ICT Room, Clinic, Canteen, Opisina ng Punong-Guro at isang makabagong Covered Court.


Samantala, ang Paaralang West Crame ay pamumunuan ni G. Dennis M. Bacle, Punong-Guro, at ng pwersa ng DepEd San Juan na binubuo ng mga sumusunod na magigiting na lingkod-bayan na sina G. Roy Dan R. Pido, bilang Teacher-In-Charge (TIC), Gng. May Ann D. Foronda bilang Kinder Teacher, Gng. Mary Jean B. Luartez, Grade 1 Teacher, Gng. Mary Jane D. Rubio, Grade 2 Teacher at Bb. Eveary Lauren C. Dela Cruz, Grade 3 Teacher. Ang paaralan ay tutugon muna sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang sa ikatlong baiting upang dagliang makatulong sa mga batang San Juaneño na malapit sa lugar.

Ang magiting na alkalde ng Lungsod ng San Juan, Kgg. Francisco Javier M. Zamora, habang sya’s lubos na pinasasalamatan ng mga batang mag-aaral ng Paaralang West Crame na kanyang itinaguyod.


Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang pagdami ng mga estudyante at mga magulang na nagtatanong para sa maayos na paglipat nila sa paaralan. Inaasahang dadami pa ang mga mag-aaral upang magkaroon na rin ng iba pang baitang sa susunod na taong panuruan.



Article written by:

May Ann D. Foronda (Teacher III - West Crame Elementary School)


![endif]--![endif]--![endif]--

Featured Posts