MARTIN, Wagi sa 2019 National Schools Press Conference
Wagi si Juan Gabrielle Martin, mag-aaral ng Aquinas School sa nakaraang 2019 National Schools Press Conference na ginanap sa Lingayen, Pangasinan noong Enero 28, 2019 - Pebrero 1, 2019. Nasungkit ni Martin ang ikaapat na puwesto sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan.
“Inihanda ko ang sarili ko sa paligsahan dahil hindi na ito pandibisyon o panrehiyon, ang makakalaban ko ay mga kalahok ng buong Pilipinas na sanay na sa ganitong labanan. Bilang baguhan sa larangang ito, pinag-aralan ko ang tamang anggulo sa pagkuha ng mga litrato at pagsulat ng kapsyon. Naging insipirasyon ko ang buong DepEd NCR , Dibisyon ng Lungsod ng San Juan sa mga pagsasanay na isinagawa ng mga ito, sa mga taong naniniwala sa akin at sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng San Juan sa walang sawa nitong pagtulong sa mga mag-aaral ng nasabing lungsod,” ayon kay Martin.
Hindi rin makapaniwala si Bb. Giselle T. Posadas, gurong tagapagsanay ni Martin. Sinabi niyang napakahirap talagang makapasok sa nasyonal sapagkat mga piling-piling kalahok na ng bawat rehiyon ang mga kalaban. Dasal, pag-asa at patuloy na pagsasanay lang talaga ang kanilang ginawa upang makamit ang tagumpay.
Nakaangkla ang paligsahan sa tema ng taong ito na “Fostering 21st century skills and character-based education through campus journalism”. Dinaluhan ng 4,960 na katao mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
Napanatili naman ng NCR ang ikatlong puwesto para sa pangkalahatang kampiyon. Nanguna ang Rehiyon ng Calabarzon, sunod ang Central Luzon, ikaapat ang Bicol at ikalima ang Ilokos.
Narito ang ilang kuhang larawan sa naganap na NSPC at pagkilala kay Martin:
TIWALA LANG. Paghahanda sa mga kagamitang gagamitin NGITI NG PAG-ASA. Koponan ng Lungsod ng San Juan, bilang sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan. paghihintay sa pagsisimula ng 2019 NSPC.
BUNGA NG PAGSISIKAP. Pagkilala kay Juan Gabrielle R. Martin, may hawak ng sertipiko at Bb. Giselle Posadas katabi sa kanang bahagi ni Martin sa ginanap na Flag Ceremoy Program noong Pebrero 11, 2019. Isa rin itong pasasalamat ng DepEd San Juan sa pagsuporta ng LGU sa lahat nitong mga programa at gawain sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Guia G. Gomez.
Article written by:
Eulafel C. Pascual (Education Program Supervisor - Filipino)