top of page

Dibisyon ng San Juan handa ng makipila sa korona sa NSPC


Handa ng kumubra ng tagumpay mula sa taunang National Schools Press Conference ang Schools Division Office – San Juan City matapos magsagawa ng isang 3-day Citywide Journalism Seminar nitong nakaraang Abril 25-28, 2017 sa San Juan National High School.

Tinipon ang mga School Paper Advisers mula sa pampubliko at pribadong elementarya, kabilang na ang natatanging paaralang sekondarya ng San Juan, upang malaman ang sirketong sangkap sa pagsasanay at pag-iskawt ng batang kayang makipagsabayan sa National level.

Siksik ng mga bihasa at beterano sa larangan ng media at pagsusulat mula sa GMA Online at pahayagan ang tatlong araw na “Enhanced Training-Workshop on Journalism.” Tinalakay ni veteran journalist - Earl Victor Rosero, ang wastong pagsusulat ng balita mula sa isang catchy na title at matibay na lead para sa istorya. Hinamon ni Rosero ang mga SPA na mag-isip gaya ng isang journalist sa tuwing susulat ng balita.

Nagpakitang gilas din naman ang photojournalist na si Roehl Niño Bautista sa pagkuha ng larawan. Kasanayan at tamang tyempo sa pagputok ng camera ang ilan sa mga binigay nyang tips sa mga SPA. Samantala, ang dynamic Cartooning tandem nina Sebastian Estanislao at Claireyenne Malanyaon naman ay naghatid din ng ilang paalala at mga karagdagang kaalaman sa pagguhit ng isang magandang caricature.

Pinakita naman ni Toteng Tanglao, isa pang journalist, ang halimbawa ng isang makabuluhang pakikipanayam, kasama na ang magagandang sundot ng follow-up questions.

Inatasan na gumawa ng isang sample article ang mga SPA’s sa bawat kategorya bilang isang awtput na iwinasto at minarkahan naman ni Earl Rosero. Inaasahang mapagbubuti ng nasabing seminar ang galing sa pagsusulat ng mga mag-aaral bilang paunang resulta nito at maitaas ang bilang ng mga makakalusot sa darating na Regional Schools Press Conference. Dito magsisimula ang unang hakbang sa pagiging contending Division ng San Juan sa National level.

Article written by:

Mr. Gideon O. Bautista (SPES Teacher)

Featured Posts
Archive
bottom of page