SES Young Journalists: Ang Tagumpay sa 2017 Regional Schools Press Conference
Muli na namang naipamalas ng mga batang manunulat ng Paaralang Elementarya ng Salapan ang kanilang kahusayan sa larangan ng pagsulat sa ginanap na Regional Schools Press Conference noong Nobyembre 22, 2016 sa Lungsod ng Valenzuela. Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng 160 Young Journalists mula sa pribado at pampublikomg paaralan sa elementary at secondary sa National Capital Region. Labing-limang mag-aaral ang naging pambatao ng paaralan na dumaan sa pagsasanay at paligsahang pangdibisyon (Division Schools Press Conference), ito ang naging daan ng pagkamit ng medalya at nagging kabilang sa mga Pambato ng ating Division(City of San Juan).
Layunin ng paligsahan na maunawaan ang kahalagahan ng responsableng pamamahayag sa iba’t-ibang paraan upang mamulat ang bawat indibidwal sa mga mahahalagang pangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan. Ito ay patunay na kaisa at kaagapay ang paaralan sa paghubog sa kakayahan at talentong ibinigay ng Panginoon.
Nagbunga ang pagsisikap nina John Robert Tarriela na nakamit ang ika-anim na puwesto sa kategorya ng pagsulat ng editorial at Jan Michael Goseng na nakamit ang ika-apat na puwesto sa pagsulat sa Agham. Bilang paghahanda, siya ay dumaan sa isang masusing pagsasanay sa pagsulat ng mga artikulo na batay sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan.
Kinilala ang kanilang pagkapanalo sa harap ng mga kawani ng City of San Juan sa pangunguna ng Punong Lungsod, Guia Guanzon Gomez. Tunay na nakakataba ng puso ang patuloy na pagbibigay karangalan ng mga batang manunulat ng Paaralang Elementarya ng Salapan. Sa pagtugon sa hamon ng edukasyon sa ating lahat, patuloy tayong tumayo sa edukasyon ng buong puso, patuloy na naglilingkod at tugunan ng serbisyong totoo ang mga responsibilidad para sa umuusbong na talento ng mga kabataan na pag-asa ng bayan.
Mr. Lloyd T. Tulaylay (Principal I)