“Kick-Off Program” para sa Buwan ng Pagbasa, Ikinasa sa Dibisyon ng Lungsod ng San Juan
- MRS. EULAFEL C. PASCUAL
- Mar 15, 2016
- 2 min read

Ang Dibisyon ng Lungsod ng San Juan ay nagkaroon ng Kick-Off Program para sa Buwan ng Pagbasa noong ika-9 ng Nobyembre 2015.
Ang programa na may temang “Nasa Pagbasa ang Pag-asa” ay nagsimula ng ika-7:30 ng umaga sa Quadrangle ng Dibisyon para sa unang bahagi.
"Kayang maglakbay at makapaglibot sa buong daigdig ang isang tao sa pamamagitan ng pagbabasa ,” ayon sa panimulang mensahe ni G. Virgilio Santos, Puno ng SGOD ng Dibisyon. Pormal ding binuksan ang “Book Exhibit” para sa madlang nagnanais na magbasa at makakita ng mga likhang-kamay ng mga estudyante ng San Juan.

Ipinakita ng mga dumalong iba’t ibang organisasyon ng mga mag-aaral sa San Juan ang kanilang natatanging presentasyon, kabilang sa mga ito ang SJNHS-Dance T roupe na nagpakita ng husay sa pagsayaw; iskit ng TEATRO-SJNHS; Choral Reading ng English Club; Madamdaming Pagbasa ng Tula mula sa Filipino Club at hindi rin naman nagpahuli si Gng. Carmen Mengote, guro sa Paaralang Elementarya ng Pinaglaban sa kanyang interaktibong pagkukuwento na masiglang nilahukan ng mga batang mag-aaral sa elementarya at ng Book Lovers Club. Nagkaroon din ng mga palaro tulad ng Basahin Mo, Kalye Show, at Charade.
Bago magwakas ang palatuntunan ay nagbigay ng mensahe ang puno ng CID na si Dr. Lydia C. Abeja at iminungkahi na maaaring gamitin ang mga presentasyon at paligsahan na isinagawa sa pagtuturo ng mga guro na puwedeng baguhin batay sa pangangailangan nito sa loob ng silid-aralan.
Nagtapos ang palatuntunan sa madamdaming pag-awit ng “Flashlight” ni Jessie J na nagsilbing awiting panlahat.
Ang nasabing gawain ay nasa pamumuno ni Dr. Jenilyn V. Corpuz, SDS ng Lungsod ng San Juan at pinamahalaan nina Marneli A. Bautista, Tagamasid sa Ingles at Eulafel C. Pascual , Tagamasid sa Filipino. .
ILANG KUHANG LARAWAN SA NAGANAP NA PROGRAMA
Article written by:
Eulafel C. Pascual
Education Program Supervisor (Filipino/MTB-MLE)

























Comments