Regional Validation Process ng LAMP sa Filipino, idinaos sa SDO San Juan
Idinaos ang Extension of Phase 2 of Learning Assurance Mapping Project (LAMP) for Filipino - Validation Process, proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon ng Punong Rehiyon noong Mayo 9, 2019 sa Schools Division Office ng San Juan City bilang pagpapatuloy sa naunang gawain ng LAMP.
Ipinakita ng dibisyon sa pamumuno ni Dr. Alejandro G. Ibanez, Nanunuparang-Pinuno bilang Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralan ng San Juan, ang pakikiisa sa gawaing ito na makatutulong sa mga guro at mag-aaral upang maayos na maipatupad ang badyet ng mga gawain at mga kasanayang dapat linangin sa mga mag-aaral.
Naibahagi ng Dibisyon ang tag-line na “SDO-San Juan…thriving on positivity and possibility. Shine!” sapagkat positibong tinugunan ang proyekto ng DepEd NCR na magkaroon ng lugar upang maiskatuparan ang gawain para sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon.
Mula sa iba’t ibang dibisyon ng Punong Rehiyon ang dumalong Tagamasid sa Programang Pang-edukasyon na pinamunuan ng Panrehiyong Tagamasid na si Dr. Ma. Gloria G. Tamayo. Ipinakita ng bawat naaatasang tagamasid ang mga naisaayos na badyet ng mga gawain at mga kasanayan. Nagkaroon ng mga pagtatanong, paglilinaw at mga mungkahi. Nagmungkahi si Dr. Rodolfo de Jesus, Tagamasid ng Lungsod ng Quezon na magkaroon ng isang format na lamang na susundin ng lahat ng dibisyon. Nagkaisa rin na ipapasa ang nasabing mga pagbabago sa Mayo 15, 2019 para sa pinal na balidasyon.
Narito ang mga nagsipagdalong tagamasid ng bawat dibisyon: Eulafel C. Pascual ng San Juan , Macario Pelecia ng Las Piñas, Galcuso Alburo ng Marikina, Werlito Batinga ng Mandaluyong, Rico Tarectecan ng Navotas, Jennifer Rama ng Taguig & Pateros –mga manunulat. Ofelia Cruz ng Malabon, Sheila Molina ng Caloocan, Edwin Doria ng Parañaque, Marissa Muldong ng Muntinlupa, Eduardo Wong ng Pasay-mga validator. Kasama ring dumalo ang kinatawan ng Dibisyon ng Pasig na si Catherine S. Acabado, Julieta Madera ng Manila, Grace Yumul ng Valenzuela, Mariefe Serañin ng Makati.
Natapos ang gawain sa ganap na ika-5:00 ng hapon.
Article written by:
Mrs. Eulafel C. Pascual